ALU-TUCP humirit din ng dagdag sahod matapos ang P1 dagdag pasahe sa jeep

Hindi tinutulan ng isa sa mga pinakamalaking labor groups sa bansa ang P1 na pansamantalang dagdag sa minimum na pamasahe sa jeep.

Pero iginiit ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na dapat ding tumaas ang minimum na sweldo ng mga manggawa.

Ayon sa grupo, dapat i-adjust ng National Capital Region (NCR) Wage Board ang kasalukuyang P512 minimum wage sa Metro Manila.

Sinabi ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay na hindi sila tutol sa P1 provisional fare increase sa NCR at Regions 3 at 4.

Naiintindihan ng grupo na kailangang mabawi ng jeepney drivers ang nawawala nilang kita dahil sa mataas na presyon ng petrolyo at mga pangunahing bilihin.

Pero iginiit ng grupo na kailangan din ang umento sa sahod para makaagapay ang mga manggagawa sa mahal na pamumuhay at ang dagdag na pamasahe sa jeep gayundin ang nakaambang fare increase sa iba pang uri ng pampublikong transportasyon.

 

Read more...