Jeron Teng balik sa PBA matapos mabiktima ng pananaksak

Inquirer file photo

Balik na sa PBA hardcourt si Alaska rookie Jeron Teng isang buwan matapos ang insindente ng pananaksak na kaniyang ikinasugat sa labas ng isang bar sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Naglaro na ang 2-time UAAP finals MVP sa laban ng Alakas kontra Phoenix sa Cuneta Astrodome ngayong Biyernes.

Magugunitang nagpahinga sa paglalaro si Teng matapos silang mabiktima ng pananaksak noong June 3.

Kasama noon ni Teng si Norbert Torres ng Rain or Shine at dating La Salle guard Thomas Torres nang maganap ang insidente.

Nagtamo si Teng mga tama ng saksak sa katawan kaya naospital siya ng ilang araw.

 

Read more...