German national habang buhay na makukulong dahil sa human trafficking

By Cebu Daily News, Donabelle Dominguez-Cargullo July 06, 2018 - 06:55 PM

Pinatawan ng habang buhay na pagkakabilanggo ng korte sa Cebu City ang isang German national na umano ay miyembro ng global child pornography syndicate.

Si Thomas Michael Ruhland, 46 anyos ay hinatulang guilty ni Judge Jose Andal ng Regional Trial Court Branch 24 sa Cebu City sa kasong qualified trafficking at child abuse dahil sa pagkuha ng larawan sa dalawang hubad na babaeng teenager noong 2011.

Inatasan din ang dayuhan na magbayad ng P3.4 million sa dalawang biktima na edad 16 at 14.

Sinabi ni Judge Andal na napatunayan ng korte na binayaran ng dayuhan ang mga biktima kapalit ng hubad na larawan.

Sinamantala aniya ni Rhuland ang mga menor de edad.

Si Rhuland ay nadakip matapos humingi ng tulong sa NBI Central Visayas ang ama ng isa sa mga bata.

 

TAGS: cjild abuse, German national, Qualified Trafficking, Radyo Inquirer, cjild abuse, German national, Qualified Trafficking, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.