Pinoy teacher bahagi ng rescue team sa Thai football team na na-trap sa kweba

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 06, 2018 - 06:11 PM

Isang Pinoy na English teacher ang bahagi ng rescue team na tumutulong sa mga batang na-trap sa isang kweba sa Thailand.

Si Christiffer John Aquino ay nagtatrabaho bilang teacher at kapag weekend, siya naman ay rock climbing instructor.

Dahil sa kaniyang kaalaman sa rock climbing, napasama sa Aquino sa rescue team para maisabla ang mga batang miyembro ng Thai football team na na-trap sa underground cave sa Thailand.

Sa kaniyang Facebook page, ibinahagi ni Aquino ang mga pinagdadaanan ng kanilang team para mahanap ang kinaroroonan ng 12 mga bata.

Natagpuan na ang mga bata pero dahil sa pagkaka-trap nila sa kweba ng halos dalawang linggo, hirap na silang makakilos.

Karamihan sa kanila ay payat na payat na at pagod na pagod.

TAGS: Radyo Inquirer, thai cave, thai football team, Radyo Inquirer, thai cave, thai football team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.