Palasyo dedma sa paratang na pinakamalaking protektor ng droga si Paolo Duterte

Dedma ang Malakanyang sa panibagong patutsada ni Communist Party of the Philippines (CPP)founder Jose Maria Sison laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito.

Kasunod ito ng pahayag ni Sison na ang anak ni Duterte na si Paolo ang pinakamalaking protektor ng drug trade sa bansa.

Ayon kay Roque, hindi karapatdapat na bigyan ng komento ang sinabi ni Sison.

Itinuturing din ng Palasyo si Sison na “irrelevant” dahil suspindido ngayon ang usapang pangkapayapaan.

Una nang ipinagpaliban ang peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) noong June para mabigyan ito ng karagdagang panahon para konsultahin ang mga stake holder tungkol sa dayalogo sa grupo ni Sison.

Tinawag naman ni Paolo Duterte si Sison na isang pathological liar tulad ng isang umanong anti-duterte senator.

 

Read more...