Mosyon sa P50 M immigration bribery scandal ibinasura ng Sandiganbayan

By Jan Escosio July 06, 2018 - 04:25 PM

Ibinasura ng Sandiganbayan ang motion to quash ni dating Police Superintendent Wally Sombero kaugnay sa pagkakasangkot nito sa nabunyag na P50 million Immigration bribery scandal.

Sa 11-pahinang desisyon ng 6th Division ng anti-graft court, binalewala ang mosyon ni Sombero dahil sa kawalan ng merito.

Binanggit ng mga mahistrado na nakumpleto ang mga elemento ng kasong plunder o pandarambong sa inihaing amended complaint ng panig ng prosekusyon.

Magugunita na sa hirit ng kampo ni Sombero iginiit nito na hindi dapat siya malitis sa kasong plunder dahil siya aniya ay isang pribadong indibiduwal.

Kaugnay nito, hindi natuloy ang pre-trial sa kaso ni Sombero, dating Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles bunsod ng hindi pa pagkakatapos ng marking of evidence ng prosekusyon.

Bunga nito sa darating na Hulyo 13 o sa susunod na Biyernes na lang isasagawa ang pre-trial kung matatapos na ang stipulation of documents and evidence.

At sa Hulyo 20 naman itinakda ang pagdinig sa hirit ng mga akusado na sila ay makapag-piyansa.

TAGS: dating Immigration Commissioner Al Argosino, dating Immigration Commissioners Michael Robles, dating Police Superintendent Wally Sombero, Hulyo 13, ibinasura, Mosyon, P50M, plunder, sandiganbayan, dating Immigration Commissioner Al Argosino, dating Immigration Commissioners Michael Robles, dating Police Superintendent Wally Sombero, Hulyo 13, ibinasura, Mosyon, P50M, plunder, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.