Dating Thai Navy SEAL, patay sa rescue operation sa na-trap na soccer team sa kweba sa Thailand
Patay ang isang dating Thai Navy SEAL sa isinasagawang rescue operation sa 12 bata at kanilang coach na na-trap sa isang kweba sa Thailand.
Nasawi ang nasabing volunteer rescuer na isang elite diver habang naglalagay ng mga oxygen tanks sa posibleng rutang maaring maging daan ng soccer team.
Kinilala ang nasawi na si Samarn Poonan, 38 taong gulang, isang beteranong diver.
Naubusuan si Poonan ng oxygen habang pabalik ito matapos maghatid ng oxygen.
Kasabay nito, oras ang kalaban ng rescue team bago pa dumating ang panibagong rainstorm sa lugar.
Ayon sa mga opisyal, bumababa ang lebel ng oxygen sa kweba dahil sa dami na rin mga taong nagbibigay ng suplay at paghahanda sa mga na-trap sa isasagawang rescue.
Nasa apat na araw na ang nakakaraan ng unang mahanap ng ligtas ang mga biktima.
Nanatiling marami pa ring mga kinakaharap na mga problema ang nasabing rescue operation bago pa tuluyang mailigtas ang mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.