21 na ang patay sa lumubog na tourist boat sa Thailand

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 06, 2018 - 02:24 PM

AFP Photo

(UPDATE) Umakyat na sa 21 ang nasawi sa paglubog ng tourist boat sa Phuket Thailand na ang mga sakay ay pawang turistang Chinese.

Ito ay makaraang matagpuan ng Thailand Navy ang pito pang katawan mula sa lumubog na barko.

Sakay ng tourist boat ang 105 na mga turista na karamihan ay Chinese nang ito ay magkaproblema hanggang sa lumubog.

Isa ang agad na nasawi, 48 na kinabibilangan ng mga pasahero at crew ang nailigtas habang 35 ang patuloy na pinaghahanap.

Mayroon ding 12 na nasugatan sa insidente.

Ayon kay Phuket Governor Noraphat Plodthong posibleng na-trap sa barko ang mga nawawala pang indibidwal.

Nagpadala na ng divers mula sa Navy at Marines ng Thailand para mahanap ang mga nawawala pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.