15 anyos patay matapos gulphin ng kapwa estudyante sa Oriental Mindoro

Patay ang 15 anyos na Grade 7 student makaraang gulpihin ng kapwa estudyante na nasa Grade 10 sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng Mimaripa Police, ang biktima ay inatake ng suspek sa barangay Leido sa bayan ng Victoria.

Isang Grade 9 student ang nagbigay ng testimonya sa pulisya hinggil sa pangyayari.

Ayon sa testigo, nanonood siya ng larong badminton at volleyball sa loob ng eskwelahan nang makita niyang dumating ang suspek at binanatan sa ulo ang biktima ng ilang beses.

Bumagsak ang biktima at nawalan ng malay, at nasawi habang dinadala sa pagamutan.

Hawak na ng Municipal Social Welfare and Development Office ang menor-de-edad na suspek.

 

Read more...