Hiniling ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa Philippine National Police na payagan si Senator Leila de Lima na makapagsagawa ng committee hearings sa loob ng PNP Custodial Center.
Ginawa ni Sotto ang hiling sa pamamagitan ng sulat na naka-address kay PNP Director General Oscar Albayalde.
Sa kaniyang liham, sinabi ng senador na dapat mapayagan si De Lima na gampanan ang kaniyang tungkulin bilang halal na senador ng bansa.
Ani Sotto, dapat payagan si De Lima na makapagsagawa ng mga pagdinig sa mga nakabinbin niyang panukalang batas sa ilalim ng Senate committee on social justice, welfare and rural development committee.
Sinabi ni Sotto na bilang senate president, pinapayagan niya si De Lima na magampanan ang kaniyang tungkulin bilang senador kabilang na ang mag-preside ng pagdinig.
Nagawa na rin naman aniya ito noon ni Senator. Antonio Trillanes IV noong siya ay nakakulong pa.