Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa 3 lalawigan
(UPDATE) Itinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa tatlong lalawigan na kalapit ng Metro Manila.
Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 11:49 ng umaga, malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang iiral sa Tarlac, Rizal at Quezon sa susunod na dalawang oras.
Ang nasabing lagay ng panahon ay nararanasan din sa Las Pinas City; Bacoor, Cavite; Lipa, Padre Garcia, Mataas na Kahoy at Sto. Tomas sa Batangas; Calamba, Laguna; Floridablanca sa Pampanga, Laur, Gabaldon at General Tinio sa Nueva Ecija.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.