Ayon sa NLEX, ito ay dahil sa gagawing drainage enhancement project sa lugar.
Batay sa abiso, simula sa July 8 hanggang sa July 19, ang Balintawak Cloverleaf southwest ramp patungo sa A. Bonifacio Avenue mula EDSA-Monumento ay isasara mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.
Payo ng NLEX sa mga motorista planuhin na ang nakatakdang biyahe at mabuting iwasan ang pagdaan sa lugar sa mga oras na ipinatutupad ang closure para hindi maabala.
Samantala, simula July 20 naman hanggang August 9, isasara naman ang southwest ramp patungong EDSA-Cubao at ang rightmost lane patungong A. Bonifacio Avenue sa pareho ding oras.