Bagyong nasa labas ng bansa posibleng maging super typhoon

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 06, 2018 - 09:31 AM

Posibleng lumakas bilang isang Super Typhoon ang bagyo na nasa labas ng bansa at mayroong international name na Maria.

Sa ngayon, nasa typhoon category ang bagyo na mayroong lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 215 kilometers bawat oras.

North northwest ang kilos ng bagyo at inaasahang magiging super typhoon na bago pumasok ng bansa sa Lunes.

Papangalanan itong Gardo sa sandaling pumasok ng bansa.

Maliit namang ang tsansa na tumama ito sa kalupaan ng Pilipinas dahil southern Japan ang tinutumbok ng bagyo.

Gayunman, palalakasin ng bagyo ang Habagat na maghahatid ng pag-ulan sa bansa.

TAGS: Radyo Inquirer, super typhoon, Typhoon Maria, weather, Radyo Inquirer, super typhoon, Typhoon Maria, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.