Landbank branches bukas sa Sabado para sa pag-iisyu ng EMV Card

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 06, 2018 - 08:59 AM

Bukas ang lahat ng branch ng Landbank bukas, araw ng Sabado, July 7 para sa pagre-release ng bagong Visa Debit EMV Card.

Ayon sa abiso ng Landbank, alas 8:30 ng umaga hanggang alas 3:30 ng hapon ay bukas ang lahat ng kanilang branch sa buong bansa.

Pinapayuhan ang lahat ng kukuha ng bagong EMV Card sa kanilang branch of account na magdala ng isang valid ID.

Pwede rin namang hindi na magpunta sa branch of account at sa halip ay hilingin na lang na ipadala ang EMV Card sa branch na malapit sa kanila pero aabutin naman ito ng 10-araw.

Ang pag-release ng EMV-enabled ATM cards ay available din kapag weekdays mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Paalala ng Landbank, ang mga luma nang regular ATM cards ay hindi na maaring magamit pagsapit ng July 15, 2018.

TAGS: advisory, EMV Card, Landbank, Radyo Inquirer, advisory, EMV Card, Landbank, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.