Lider ng kulto na responsible sa 1995 nerve gas attack sa Tokyo binitay na

AFP Photo

Naipatupad na ang parusang bitay laban kay Shoko Asahara ang lider ng isang cult group na responsable sa 1995 nerve gas attack sa Tokyo underground na ikinasawi ng 13 katao.

Maliban kay Asahara na lider ng “Aum Shinrikyo” cult, pito pang miyembro niya ang nakatakda ring bitayin.

Noong March 1995, nagtapon ng nakalalasong “sarin gas” ang mga miyembro ng naturang kulto sa subway sa Tokyo.

Iniwanan nila ang mga packages na mayroong butas at kalaunan nakaranas na ng pagsusuka ang mga pasahero, hindi sila makahinga, ang iba ay nabulag pa at naparalisa.

Sa mga sumunod pang buwan tinangka pa ng kulto na gawin ulit ang pag-atake pero naharang na sila ng mga otoridad.

 

Read more...