Nagbitiw na sa pwesto si U.S. Environmental Protection Agency chief Scott Pruitt matapos masangkot sa serye ng kontrobersya.
Si Pruitt ay maituturing na isa sa mga pinaka-epektibo at pinagkakatiwalaang gabinete ni Trump.
Kabilang sa mga kinasangkutang kontrobersiya ni Pruitt ang first-class travel nito, magarbong security, paglalagay ng $43,000 na halaga ng soundproof phone booth sa kaniyang opisina, at ang akusasyon na ginamit niya ang posisyon para maka-discount sa renta sa high-end condo.
Ayon kay Pruitt, nakaaapekto na sa kaniyang pamilya ang mga atake laban sa kaniya.
Tinanggap naman n ani Trump ang resignation ni Pruitt at itinalaga si EPA Deputy Administrator Andrew Wheeler bilang pansamantalang pinuno ng ahensya.
MOST READ
LATEST STORIES