Mga baril ng lahat ng bodyguards ni Mayor Halili ipinasusuko sa PNP

By Erwin Aguilon July 06, 2018 - 06:55 AM

Ipinag-utos na ni Police Regional Office 4-A director C/Supt. Edward Carranza sa Task Force Halili na makipag-ugnayan sa mga bodyguard ng pinaslang na si Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Ayon kay Carranza, ito ay upang mai-turn over sa kanila ang lahat ng mga armas ng mga ito.

Kailangan aniya ito upang mabatid kung may mga kaukulang dokumento ang baril ng mga security ng alkalde.

Paliwanag ni Carranza, kahit security personnel ng opisyal ng pamahalaan ay hindi maaring basta na lamang makapagdala ng baril na walang kaukulang dokumento.

Matapos barilin si Halili noong Lunes nagkapagpaputok pa ang nga security ng alkalde patungo sa lugar ng pinaggalingan ng putok na kumitil kay Mayor Tony.

TAGS: ambush, antonio halili, PNP, Radyo Inquirer, ambush, antonio halili, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.