2 drug suspek arestado sa buy-bust sa QC

Dalawang drug suspek ang naaresto sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City.

Isinagawa ang buy bust sa Barangay Pinyahan sa lungsod dahil sa sumbong ng mga residente hinggil sa talamak na bentahan ng ilegal na droga.

Unang nadakip ang isang alyas Ronald na nakuhanan ng isang sachet ng shabu at buy bust money.

Sa kasunod na operasyon naaresto naman ang isang 55 anyos na lalaki.

Ang ikalawang suspek ay dati nang nagpa-rehab pero muling bumalik sa kaniyang ilegal na gawain.

 

Read more...