Bagyo sa labas ng PAR nasa typhoon category na

By Rhommel Balasbas July 06, 2018 - 05:08 AM

Nasa ‘typhoon’ category na mula sa pagiging ‘severe tropical storm’ ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Sa 4am advisory ng weather bureau, huling namataan ang bagyo na may international name na ‘Maria’, sa layong 1,965 kilometro Silangan ng Southern Luzon.

Taglay nito sa ngayon ang hanging aabot sa 125 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 155 kilometro kada oras.

Inaasahan pa rin itong papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) umaga ng Lunes ngunit malaki pa rin ang posibilidad na hindi ito tatama sa anumang kalupaan ng bansa.

Palalakasin nito ang habagat na magdadala ng pag-uulan sa ilang bahagi ng bansa.

Ngayong araw, mararanasan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Mindoro, Palawan, Western Visayas at Zamboanga Peninsula dahil sa habagat.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kasama na ang Metro Manila ay mararanasan ang mainit at maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng pag-ulan lalo na sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.