Gobyerno walang kinalaman sa pamamaslang kay Mayor Halili — Malacañan

Itinanggi ng Palasyo ng Malacañan na kagagawan ng gobyerno ang pamamasalang kay Mayor Anthony Halili.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang basehan at ispekulasyon lamang ang alegasyon na pamahalaan ang nasa likod ng nasabing krimen.

Iniimbestigahan pa aniya ang kaso pero iba’t ibang aspeto na ang lumalabas.

Binanggit ng kalihim na lumulutang na anggulo sa Halili murder ang droga, pulitika, at negosyo.

Matatandaan na ilang oras matapos patayin ang alkalde ay lalo itong idiniin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa droga.

Ayon sa pangulo, palabas lang ang walk of shame ni Halili sa pagkakasangkot umano nito sa droga.

Ang pahayag ng Palasyo ay kasunod ng sinabi ni Senador Ping Lacson na hinala ng pamilya ay kagagawan ng gobyerno ang pamamaril.

Read more...