Ikinukunsidera ng mga imbestigador ang posibilidad na inside job ang pagpatay kay Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili.
Ayon sa binuong Special Investigation Task Group, madalang na dumalo si Halili sa flag raising ceremony sa city hall.
Dahil dito, posibleng nabigyan ng tip ang gunman sa presensya ng alkalde sa naturang aktibidad.
Bukod sa walk of shame campaign at umano’y pagkasangkot sa droga ni Halili, tinitingnan ding anggulo ang away sa lupain at alitan nito sa isang dating heneral ng militar.
Una nang sinabi ng pamilya Halili na may kinalaman umano ang gobyerno sa krimen, bagay na agad itinanggi ng Malakanyang.
MOST READ
LATEST STORIES