Dagdag pasahe sa iba pang mga PUV pinag-aaralan ng LTFRB
Matapos aprubahan ang P1 dagdag sa minimum na pamasahe sa jeep, pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare increase petition ng ibang grupo ng mga pampasaherong sasakyan gaya ng UV Express at mga bus.
Ilan sa mga nakabinbin na petisyon sa LFTRB para sa dagdag na pamasahe ay ang P13.30 para sa unang 5 kilometro para sa ordinary city bus mula sa kasalukuyang P10 at P15.95 sa unang 5 kilometro para sa air-conditioned city bus mula sa kasalukuyang P12.
Para naman sa ordinary provincial bus: P11.95 sa unang 5 kilometro mula sa kasalukuyang P9 at P1.85 sa kada susunod na kilometro mula sa kasalukuyang P11.40.
Humirit din ang transport groups ng dagdag P2.15 para sa regular; P2.25 sa Deluxe; P2.40 sa Super Deluxe; at P3 sa Luxury air-conditioned provincial bus.
Samantala para sa UV express, nasa P4 kada kilometro mula sa kasalukuyang P2 kada kilometro ang nais idagdag.
Sinabi naman ng LTFRB na reresolbahin pa nila ang P2 na orihinal na hiniling na dagdag na pamasahe sa jeep.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.