Jameson Blake ng Hashtags binatikos dahil sa paghingi ng pabor kapalit ng shoutout

Eunice Enrera Facebook Post

Nakatanggap ng pambabatikos online ang Hashtag member na si Jameson Blake matapos siyang magpost sa kanyang personal Twitter account na nanghihingi ng tulong mula sa graphic designer upang igawa siya ng cover banner.

Sa naturang post ni Jameson, sinabi nito na ang mapipili niyang may pinakamagandang cover banner ay bibigyan niya ng shoutout.

Karamihan sa mga netizens ang dumepensa sa mga graphic designer at sinabing bayad ang dapat kapalit ng paggawa ng isang output dahil oras, effort, at talento ang kanilang nilaan upang gawin ito, at hindi kayang bayaran ng shoutout ang mga pangangailangan ng isang graphic artist.

Sinagot pa ni Jameson ang mga reaksyon ng netizens at sinabing naghahanap lamang siya ng taong gustong tumulong sa kanya nang walang bayad.

Paliwanag pa ng Hashtag member, simpleng graphic art lang naman ang kanyang hinihiling.

Kaya naman tila napag-tripan ng mga netizen na gawin ang hinihinging pabor ni Jameson ngunit sa sarcastikong paraan.

Kasunod ng pambabatikos na natanggap ni Jameson ay humingi ito ng paumanhin sa lahat ng kanyang na-offend.

Aniya, hindi niya inaasahang magiging malaking isyu ang kanyang paghingi ng pabor.

Dagdag pa nito, hindi niya intensyon na maliitin ang mga graphic designer at kanilang mga gawa.

A post shared by Jameson Blake (@hashtag_jameson) on Jul 5, 2018 at 3:36am PDT

Read more...