Batas na nagbabawal sa paggamit ng plastic straw at stirrer, inihain sa Senado

By Rhommel Balasbas July 06, 2018 - 01:35 AM

Inihain ni Sen. Risa Hontiveros ang isang panukalang batas na nais ipagbawal ang isahang beses na paggamit ng plastic straw at stirrer sa mga food service establishments.

Iginiit ng senadora na lumalabas sa isang pag-aaral na ang Pilipinas ang ikatlong contributor ng plastis waste sa mga karagatan kasunod ng China at Indonesia.

Sa ilalim ng kanyang Senate Bill No. 1866 o ang ‘Plastic Straw and Stirrer Ban of 2018’ maaari lamang magbigay ng straw ang mga restaurant at food establishments kapag ito ay hiningi mismo ng mga customer na may kondisyong medikal.

Maging ang mga sari-sari store ay kailangang mag-paskil na mayroong pinatutupad na polisiya tungkol sa hindi paggamit ng plastic straw at stirrer.

Sa ilalim ng panukala, pagmumultahin ang mga establisyimento na lalabag sa ban ng P50,000 para first offense, P80,000 sa second offense at P150,000 at isang taong suspensyon ng business permit para sa third offense.

Ayon kay Hontiveros, kung mahihikayat ang mga tao sa positibong epekto ng hindi paggamit ng mga plastic straw at stirrers ay posibleng mahikayat din ang mga ito sa hindi paggamit ng mga plastic bags at bottles.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.