Mayor Halili posibleng sangkot sa jueteng ngunit hindi sa droga — Sen. Lacson
Iginiit ni Senador Ping Lacson na hindi sangkot sa iligal na droga ang pinaslang na si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.
Ayon kay Lacson, hindi niya bibisitahin ang burol ni Halili kung may posibilidad na sangkot ito sa drug trade.
Aniya pa, malapit niyang kaibigan si Halili noong siya ay nasa Philippine National Police (PNP) pa kaya naman alam niyang walang kahit anong posibilidad na involved ito sa droga.
Kaya naman nang lumabas ang pangalan ni Halili sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte ay agad niyang pina-verify ito sa kanyang mga sources at walang lumabas na kumpirmasyon ukol dito.
Ngunit nilinaw ng senador na hindi santo si Halili. Aniya, ang alam niyang kinasangkutan ng pinaslang na alkalde ay ang pagsusugal, partikular ang jueteng.
Ayon pa kay Lacson, hindi niya alam kung tumigil na si Halili sa jueteng ngunit ang tiyak niya ay nung siya ay nanunungkulan pa bilang hepe ng PNP at nagpapalaro si Halili ng jueteng.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.