Suspensyon sa 4 na ERC officials simula na bukas

Inquirer file photo

Magiging epektibo na ang suspension order ng Office of the Ombudsman laban sa apat na Commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang nakuhang temporary restraining order ang apat na commissioenrs na sina Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Asirit at Geronimo Sta. Ana.

Wala namang nakikitang problema ang Office of the President sa suspensyon sa apat dahil ayon kay roque, nakatakda na ring italaga ng pangulo ang dalawang bagong commissioners.

Sinasabi rin sa mga ulat na dalawa sa mga sinuspindeng ERC officials ay matatapos na ang termino ngayong buwan.

Unang naglabas ng one year suspension order ang Ombudsman laban sa ERC commissioners sa isyu ng pagpabor sa power utility pero nakakuha sila ng TRO.

Noong nakalipas na Hunyo ay naglabas muli three-month suspension order ang Ombudsman sa isyu naman ng bill deposit bagay na hindi na sila nakakuha ng TRO para sa 2nd suspension order.

Read more...