Leonen: Seniority dapat ibalik sa pagpili ng Chief Justice
Naniniwala si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na dapat ikunsidera ang seniority sa pagpili ng susunod na punong mahistrado.
Sinabi ni Leonen na ang seniority kasi ay nagpapakita ng karanasan ng isang mahistrado at ng pagkakakilala nito sa mga kapwa mahistrado.
Paliwanag ni Leonen, mas pamilyar kasi sa mga taong makakatrabaho nito sa korte ang mas matagal na sa korte.
Nilinaw naman ni Leonen na hindi siya nangangarap na maupo bilang punong mahistrado.
Aniya, hindi pa niya nakikita ang sarili niya sa posisyon dahil may kinakailangan na “attitude” ang isang punong mahistrado para makinig sa isa’t isa ang mga mahistrado at desisyunan ang kaso.
Nabakante ang posisyon ng punong mahistrado matapos mapatalsik sa pwesto si Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.