P47-M na halaga ng shabu narekober sa isang bigtime pusher sa Maynila

By Den Macaranas July 05, 2018 - 04:25 PM

Umaabot sa 7 kilo ng high grade shabu na may street value na umaabot sa P47.6 Million ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang 29-anyos na pusher sa San Andres, Maynila.

Sinabi ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na naaresto ng mga pulis ang suspek na si Joshir Bernardo pasado alas-kwatro ng umga kanina sa Brgy. 779 Zone 57 sa San Andres, Bukid sa Maynila makaraan ang ilang araw ng surveillance.

Nagtulong-tulong ang pwersa ng National Capital Regional Police Office, Manila Police District Station 6 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation.

Nakumpiska rin ng mga otoridad ang cellphone ng suspek na umano’y naglalaman ng impormasyon ng kanyang mga kasamahan sa isang sindikato at mga personalidad na pinagbebentahan nila ng droga.

Si Bernardo ay tauhan umano ng drug lord na si Loloy Hernandez na ngayon ay nakakulong na rin makaraang mahuli kamakailan.

Bukod sa Metro Manila, ang nasabing grupo rin umano ang nasa likod ng malawakang drug trade sa bahagi ng Southern Tagalog Region.

Ang naaresto suspek ay nahaharap sa kasong paglabas sa Republice Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: albayalde, andres, joshir bernardo, loloy hernandez, manila, PDEA, san, shabu, albayalde, andres, joshir bernardo, loloy hernandez, manila, PDEA, san, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.