Pamimigay ng mga bagong plaka ng sasakyan sinimulan na ng LTO
Pinangunahan mismo ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang isang seremonya sa Land Transportation Office ang pamamahagi ngayong araw ng vehicle registration plates matapos ang matagal na panahon.
Dumalo din sa seremonya si Special Assistant to the President Christopher “Bong” go na pormal na nag-abot ng mga plaka ng sasakyan sa mga automotive dealers.
Ayon naman kay Land Transportation Office Chief Edgar Galvante , lahat ng plate numbers ng motor vehicles na pinarehistro noong Hulyo 2016 ay maibibigay na sa mga automotive dealers at vehicles owners sa buong bansa .
Sinabi pa ni Galvante na ang mga plaka para sa mga susunod na buwan ng 2016 ay ibinebiyahe na rin sa Regional Offices ng LTO para sa distribution sa mga authorized District office o di kaya ay sa mga dealers .
Sa datos ng LTO ay aabot sa 231,332 pares ng motor vehicle plates ang nagawa na ng LTO Plate Making Plant mula nang pasimulan ito noong Abril.
Ang mga motorista naman na nagparehistro ng kanilang sasakyan mula 2013 hanggang Hunyo 2016 ay hindi pa kasama ang kanilang license plate sa distribution ngayong araw dahil magkaiba ang kontrata mula sa ibang supplier. / Jong
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.