4 na pulis na nakuhanan sa viral na strip search video, sinibak sa pwesto

Makati City Police | photo via ebtenorio.wordpress.com

Sinibak sa pwesto ang mga pulis na nagpahubad sa mga suspek ng ilegal na droga isang stasyon ng pulis sa Makati City.

Ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang pagkadismaya sa strip search na ginawa ng pulisya na kumakalat ngayon sa social media.

Nakilala ang mga pulis na sangkot sa panibagong umano’y kaso ng pang-aabuso na sina Senior Insp. Valmark Funelas, PO1 Stephanie Limhap, PO1 Heizelle Maramag at PO1 Francis Intia.

Nakuhanan sila sa video ng pagpapahubad sa mga suspek sa Makati City Police Station noong Marso.

Kinundena naman ni Albayalde ang insidente. Tiniyak ng hepe na mananagot sa batas ang mga tiwaling pulis kapag napatunayang guilty sa imbestigasyon ng National Capital Region Police Office.

Read more...