Nalalapit na pagtatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” fake news – ABS-CBN

Inquirer file photo

Nilinaw ng ABS-CBN na tuloy pa rin ang long-running action TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ito ay matapos ang kumakalat na balita na matatapos na ang action series at papalitan ng nalalapit na teleserye ni Judy Ann Santos na “Starla.”

Sa isang mensahe, pinabulaan ni Kane Errol Choa, Head of Corporate Communication ng ABS-CBN, ang maling balita.

Aniya, tuloy ang produksyon ng action series at masaya aniya ang writers at si Coco Martin na mas mapabuti ang istorya ng palabas.

Asahan pa aniya ang mga bagong twist na dapat abangan sa nalalapit na ikatlong taon nito.

Samantala, pinabulaanan din ng manager ni Coco na si Biboy Arboleda ang kumalat na balita.

Read more...