Humihirit ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) na magkaroon ng pagpupulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa naalarma na ang ULAP sa magkasunod na kaso ng pagpatay kina Tanauan, Batangas City Mayor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.
Dagdag ni Roque, nagkaroon na ng inisyal na pagpupulong ang ULAP sa pangunguna ni Isabela Vice Governor Antonio Albano kina Philippine National Police (PNP) chief director general Oscar Albayalde at Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año.
Ayon kay Roque, humihirit ang ULAP na magkaroon ng partisipasyon ang kanilang hanay sa proseso ng paglalagay o pag-aalis ng mga pangalan ng mga pulitiko sa narco list ng pangulo.
Batid kasi aniya ng mga lokal na opisyal kung sinu-sino sa kanilang hanay ang sangkot sa ilegal na droga.
Bukod dito, marami din sa mga lokal na opisyal sa Mindanao ang nababahala dahil bawal magdala ng armas bunsod ng umiiral na Martial law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.