Brgy. Health Stations project, dapat ituloy – Angara
Sa kabila ng mga nadiskubreng sinasabing anomalya sa pagpapatayo ng mga Barangay Health Stations project, nais ni Senator Sonny Angara na ituloy pa rin ang proyekto.
Nais pa ni Angara na ituloy ang proyektong sa pinakamadaling panahon.
Katwiran ng senador, magandang programa ang pagkakaroon ng health station sa bawat barangay.
Aniya, ito ang titiyak na matatanggap ng masa ang pangunahing programang pangkalusugan ng Philhealth.
Sinegundahan din nito ang nais ng ilang kapwa niya senador na isama sa general appropriations act ang pondo sa pagpapatayo ng mga healt stations para mabusisi ng kongreso.
Noong 2015, naglaan ang DOH ng P8.1 bilyon para sa pagpapagawa ng 5,700 health stations sa mga public elementary schools.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.