Sunog sumiklab sa isang residential area sa Toledo, Cebu

By Angellic Jordan July 05, 2018 - 12:13 PM

Credit: Rene Alima, Inquirer Visayas

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Soriano, Toledo City, Cebu pasado 8:00, Huwebes ng umaga.

Ayon aky Senior Fire Officer 3 LEonardo Clarido, station commander ng Don Andres Soriano fire substation, itinaas sa ikalawang alarma ang sunog sa Sitio Dasuna sa bahagi ng Barangay Don Andres Soriano.

Dahil dito, limang kabahayan ang tinupok ng apoy habang apat na iba pa ang partially damaged naman.

Tinatayang aabot sa P200,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa naturang sunog.

Wala ring napaulat na nasugatan sa insidente.

Ayon kay Clarido, electrical misuse ang tinitignang sanhi ng sunog.

TAGS: cebu, sunog, cebu, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.