Kinumpirma ng mga imbestigador na ang “sniper’s hole” na kanilang natagpuan ay ang ginamit ng suspek na bumaril kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.
Ayon kay Chief Supt. Edward Carranza, hepe ng Region 4A police, tinatayang 76.8 meters ang layo ng suspek kay Halili, batay sa reenactment na kanilang isinagawa.
Sinabi ni Carranza na base sa lapad ng butas, posibleng may kasama ang gunman. Aniya, posibleng may kasama ito na tumulong sa kanya.
Dagdag ni Carranza, naniniwala rin ang pulisya na hindi kumpyansa ang gunman dahil binaril niya si Halili sa katawan at hindi sa ulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.