Sundalo patay sa engkwentro vs BIFF sa Maguindanao

By Rohanisa Abbas July 05, 2018 - 11:37 AM

AFP Photo

Patay ang isang sundalo sa Mamasapano, Maguindanao matapos makasagupa ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Hindi naman pinangalanan ni Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Division ng Army, ang nasawing sundalo dahil ipapaalam muna ito sa kanyang pamilya.

Ayon kay Encinas, isang junior officer ang nasawi sa gitna ng clearing operations sa lugar nang makaharap ang BIFF.

Umarangkada ang opensiba ng militar kontra BIFF noong weekend kung saan target nila ang paksyon ni Abu Turaipe na nakipag-alyansa na sa teroristang grupong ISIS.

TAGS: BIFF, maguindanao, Philippine Army, BIFF, maguindanao, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.