Mining executive, natakasan ang Abu Sayyaf
Pinasundo bandang alas otso kuwarenta’y singko (8:45) kagabi, Oktubre 20, ng Joint Task Group Sulu (JTGS) sa pier ng Jolo ang kidnap victim na si Priscillano “Nonong” Garcia na ilang araw nang napabalitang nakatakas mula sa grupo ng Abu Sayyaf subalit kahapon lamang nakita.
Dinala sa Jolo Pier si Garcia mula sa Indanan, Sulu lulan ang isang Multi-Purpose Assault Craft ng Philippine Navy.
Sa pakikipag-ugnayan ng Joint Task Group Sulu sa Philippine Coast Guard, PNP at SAF sa lugar na silang nagpatotoo sa paglaya ni Garcia ay sinundo ito ng medical staff ng Camp General Teodulfo Bautista Trauma Hospital at agad sinailalim sa isang medical check-up.
Bandang alas nuwebe y medya kagabi ay isinakay rin sa naturang barko ng Philippine Navy si Garcia patungong Zamboanga City.
Si Garcia na finance officer ng isang mining company sa Tawi-Tawi ay dinukot noong Abril 3, 2015 sa Bongao, Tawi-Tawi.
Pinaniwalaang pinalaya si Garcia upang maibsan ang pressure ng isinasagawang military operation laban sa bandidong Abu Sayyaf Group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.