Sinabi ni GSIS President and General Manager Jesus Aranas na may 500,000 pampublikong guro ang baon sa utang sa kanila.
Ayon kay Aranas, ito ang kanilang inaasikaso ngayon para matulungan ang mga guro at mapanatili ang malusog nilang pondo para sa higit dalawang milyon nilang miyembro.
Sinabi ni Aranas na nakikipag-usap na sila sa DepEd para sa easy payment scheme sa mga may utang na mga guro.
Dapat umanong tutukan ang problema ng mga guro sa pinansiyal na pangangailangan.
Ipinagtataka nito kung bakit hirap pa rin ang mga guro sa kabila ng malaki nilang buwanang sahod.
Una naman inamin ng DepEd na maraming guro ang may utang sa mga private lending companies bukod sa GSIS.
Samantala, inanunsiyo ni Aranas na pinag-aaralan na rin nila ang posibilidad ng pag-aalok nila ng housing loan sa kanilang mga miyembro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.