Mahigit isang libong katao ang inimbitahan ng Eastern Police District (EPD) sa presinto matapos na lumabag sa mga local ordinance simula sa loob ng isang magdamag.
39 ang hinuli dahil sa drinking in public places, smoking ban ay 503, half-naked ay 71, mga menor de edad na lumabag sa curfew hours ay 11, at iba pang paglabag sa mga ordinasa ng lungsod ay aabot sa 435, sa kabuoan aabot sa 1,064 ang mga niyayang magpalamig sa presinto.
Ang Pasig ang may pinakamaraming pasaway na aabot sa 453 sumunod ang Mandaluyong na may 360, pangatlo ang Marikina na may 223, habang kakaunti lamang sa San Juan na 28 lamang.
Sa mahigit 1064, 621 dito ang binigyan ng warning lang ng mga pulis saka pinauwi, habang ang 443 ay tuluyan ng pinagmulta.
MOST READ
LATEST STORIES