Impluwensya ng Simbahang Katolika minaliit ni Pangulong Duterte
Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y pang-iimpluwensya ng Simbahang Katolika sa mga programang inilulunsad ng gobyerno gaya halimbawa ng family planning.
Ginawa ng pangulo ang bagong banat sa Simbahang Katolika sa kanyang talumpati para sa 31st founding anniversary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City, ilang araw bago ang kanyang nakatakdang pakikipagpulong kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles sa Lunes sa Malacañan.
Ayon sa pangulo, wala namang nakukuha ang taumbayan sa mga kagawad ng Simbahang Katolika dahil puro salita lamang sila.
Agad namang nilinaw ng pangulo na wala siyang balak na makipag-away sa Simbahang Katolika dahil sa pagkontra sa family planning.
Ayon sa pangulo, mga ipokrito ang mga pari.
“That is why one of my reasons why I do not like itong the creeping influence of faith that sometimes run counter to what government believes to be good for the people, at least in this temporal life. Okay na iyang sa heaven pero alam mo, wala akong nakitang kaibigan ko, sa karami ninyo, saka ‘yung mga media na nag-punta doon tapos may sinabing may langit tapos may impyerno doon,” dagdag pa ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.