Komite para sa pamamahagi ng lupa sa Boracay binubuo na ni Pangulong Duterte
Iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng isang komite na mamamahala sa pamamahagi ng lupa sa isla ng Boracay.
Sa talumpati ng pangulo sa 31st founding anniversary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City, sinabi nito na dapat buuin ang komite ng local government at ilang kinatawan ng mga may-ari ng lupa.
Ayon sa pangulo, sa ganitong paraan, masisiguro na magiging patas ang distribusyon ng lupa.
Ipinauubaya na rin ng pangulo sa Kongreso ang pagpapasya kung maglalaan ng maliit na bahagi sa isla para sa komersyo.
Nanindigan pa ang pangulo na hindi pa nababago ang deklarasyon sa isla ng Boracay bilang isang forestal at agricultural land.
“Alam mo yang Boracay sinasabi ko allow government to clean it and after that I will return boracay to its rightful owner. The problem is how to determine who owns what, yan ang problema ngayon, there has to be a committee to be fair to everybody from the local government because ang problem diyan the island of Boracay according to President Arroyo at sa akin, my stand is that Boracay has never been open to any commercial exploitation wala residential it remains forestal and agriculture yan ang problema ngayon pagkatapos ko iturn over,” ani Pangulong Duterte.
Ayon sa pangulo, moral obligation ng pamahalaan na siguruhin na malinis ang isla lalo na’t crown jewel ito at ibinibida ng Pilipinas sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.