Pangulong Duterte nagtalaga ng bagong board member sa Misamis Occidental
Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong board member sa Misamis Occidental kapalit ng napaslang na si board member Octavio Parojinog Jr..
Base sa appointment paper na nilagdaan ng pangulo noong July 3, 2018, itinatalaga nito si Simplicia Neri.
Si Parojinog ay napatay sa anti-drug operation ng mga pulis sa Ozamiz City noong July 30 ng nakaraang taon.
Sa naturang operasyon, napatay ang kapatid ni Parojinog na si Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at iba pa.
Matatandaang paulit-ulit na inihayag ng pangulo na kasama sa narco-list ang mga Parojinog at kilalang drug lord sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.