Bumaril kay Mayor Halili hindi sniper ayon sa CALABARZON PNP

By Justinne Punsalang July 05, 2018 - 02:29 AM

Nilinaw ng CALABARZON Police na hindi sniper ang nasa likod ng pagpaslang kay Tanauan City, Batangay Mayor Antonio Halili.

Paliwanag CALABARZON Police regional director Chief Superintendent Edward Carranza, 160 metro lamang ang layo ng bumaril kay Halili na nangangahulugang kahit na sinong marunong gumamit ng long firearm ay kaya nitong tamaan ang kanyang target.

Aniya pa, ang paggamit ng salitang sniper ay partikular na terminong ginagamit para sa mga pulis o militar.

Dagdag pa ni Carranza, nakausap niya rin si Major General Rhoderick Parayno na siyang commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army at sinabi nito na maikokonsidera lamang na sniper ang bumaril kung mula ito sa distansyang 500 metro o mas malayo pa.

Paliwanag pa ng opisyal, upang maging isang sniper ay kailangan ng serye ng training. Aniya pa, hindi lahat ng marunong gumamit ng long firearm ay maaaring sumali sa sniping force.

Kaya naman ayon kay Carranza, ang dapat na gamiting termino sa pumaslang sa alkalde ay isang taong marunong gumamit ng long firearm.

Ngayong araw nakatakdang magsagawa ng reenactment ang mga pulis upang malaman ang trajectory ng balang tumama kay Halili at upang matiyak kung nasa masukal na talahiban sa tapat ng Tanauan City Hall nakapwesto ang gunman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.