Boracay hindi na ‘cesspool’ ngayon ayon sa DENR

By Rhommel Balasbas July 05, 2018 - 04:20 AM

Hindi na naaangkop ang taguri ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘cesspool’ sa isla ng Boracay ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu.

Ito ay matapos ang malawakan at maigting na rehabilitasyong isinasagawa ng gobyerno ngayon sa isla.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa selebrasyon ng ika-31 anibersaryo ng kagawaran, sinabi ni Cimatu na ‘slowly recovering’ na ang Boracay at hindi na ito ‘cesspool’.

Tinitiyak niya anya ito at iginiit pa na malinis ang White Beach ng isla.

Samantala, sinabi pa ng opisyal na tuloy ang pagbubukas ng Boracay sa October 26 at hinihintay na lamang na matapos ang mga kalsadang ginagawa para ma-decongest ang lugar.

Isinasagawa rin anya ang araw-araw at lingguhang monitoring sa lagay ng tubig sa isla.

Ang isla ng Boracay ay isinailalim sa state of calamity sa loob ng anim na buwan mula noong April 26 dahil sa kinahaharap na problemang pangkalikasan partikular ang problema sa sewerage system.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.