2 suspek na bumaril kay Mayor Bote kilala na

By Erwin Aguilon July 04, 2018 - 07:29 PM

Inquirer photo

Kilala na ng mga otoridad ang dalawa sa tatlong suspek na responsable sa pamamaslang kay Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon sa source ng Radyo Inquirer na ayaw magpabanggit ng pangalan, mga miyembro ng gun-for-hire group ang mga suspek.

Sinabi rin ng source na may lead na rin sila kung sino ang nag-utos ng paglikida kay Bote.

Sa kuha rin anya ng mga CCTV camera matapos tambangan si Mayor bote lumipat sa isang Toyota Avanza sa Barangay MS Garcia ang mga suspek.

Samantala, naglaan ng P1 Million na pabuya ang pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija para sa agarang ikareresolba ng krimen.

TAGS: general tinio, hired killer, Mayor Ferdinand Bote, nueva ecija, general tinio, hired killer, Mayor Ferdinand Bote, nueva ecija

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.