Bagong mayor ng Gen. Tinio, Nueva Ecija nanumpa na

By Erwin Aguilon July 04, 2018 - 05:41 PM

Photo: Erwin Aguilon

Nanumpa na sa puwesto bilang bagong alkalde ng Gen. Tinio, Nueva Ecija si Vice Mayor Melvin Pascual kapalit ng pinaslang na si Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay Pascual, nanumpa siya kaninang umaga kay Judge Celso Baguio ng Gapan Regional Trial Court Branch 34.

Bago ito, kinausap anya siya mga kinatawan ng DILG para humalili sa pinaslang na si Bote.

Paliwanag anya ng DILG, hindi dapat magkaroon ng leadership vacuum sa pamunuan ng General Tinio upang hindi maapektuhan ang operasyon ng munisipyo.

Pumalit naman kay Pascual ang number 1 councilor na si Anna Rouselle Busalpa bilang vice mayor.

Sa ilalim ng batas, kapag nasawi o naging incapacitated ang mayor ng isang bayan o syudad ang kanyang vice mayor ang papalit sa puwesto.

TAGS: DILG, ferdinand bote, general tinio, melvin pascual, nueva ecija, DILG, ferdinand bote, general tinio, melvin pascual, nueva ecija

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.