Malacañang: Sabwatan ng ilang obispo at NPA hindi fake news
Nanindigan ang Malacañang na hindi fake news ang posibilidad na nagsasabwatan ang ilang kagawad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at New People’s Army para pabagsakin ang administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, base sa kasaysayan, ang konsepto ng CPP-NPA ay kapareho ng konsepto ng Maoist na papasukin at makikipagsabwatan ang iba’t ibang institusyon para pabagsakin ang gobyerno.
Kaya apela ni Roque sa CBCP at sa publiko, huwag magbulag-bulagan at huwag magkunwaring hindi alam kung paano gumalaw ang mga komunista.
Dagdag ni Roque, mas makabubuting bantayan ng CBCP ang kanilang hanay para masiguro na hindi mapapasok ng komunistang grupo.
“Matuto naman po tayo sa kasaysayan, huwag magbulag-bulagan at huwag nating… kunwaring hindi alam kung paano gumalaw ang CPP-NPA. papasukin at papasukin po ang mga iba’t ibang institusyon at kinakailangan bantayan ang ating mga hanay”, ayon pa kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.