4 patay, 50 naospital makaraang uminom ng alak sa Iriga City

By Rohanisa Abbas July 04, 2018 - 03:38 PM

Patay ang apat katao habang binabantayan ang 50 iba pa matapos uminom ng alak sa Iriga City, Camarines Sur.

Ayon kay SPO1 Glenn Loquias, tagapagsalita ng Iriga City police, pumunta sa Barangay Sta. Maria ang isang Engr. Glenn Castillo mula Quezon City para mag-alok ng mga inumin at fertilizers noong Biyernes.

Ayon kay Dominador Taduran, residente sa lugar, inalok siya ni Castillo na bilhin ang kanyang produktong “Re-mineralizing drops.”

Kwento ni Taduran, nag-alok ng regaling alak ang driver ni Castillo na si Christian Naldo na residente rin sa barangay.

Aniya, inihalo nito ang inumin sa isang lalagyan sa loob ng kanyang sasakyan.

Sinabi ng mga kaanak ng mga nasawi na nagsuka at nakaranas ng matinding init sa katawan ang mga biktima matapos makainom ng alak.

Narekober ng pulisya ang mga produktong ginamit umano ni Castillo at dadalhin sa Food and Drug Administration para suriin.

TAGS: alak, engineer castillo, FDA, food poison, Iriga City, alak, engineer castillo, FDA, food poison, Iriga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.