Gusot sa pagitan ng NutriAsia at mga empleyado naayos na
Nagpahayag ng pakikiisa sa kanilang mga empleyado at service providers ang NutriAsia Inc. (NAI) na malaki ang naging kontribusyon sa kumpanya at sa bansa.
Kasabay nito, malugod na tinanggap ng NutriAsia ang desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 na kumukumpirma na ang kumpanya at ang kanilang partner na B-Mirk Multipurpose Cooperative (BMPC) ay hindi sangkot sa ENDO.
Dahil sa nasabing development, umapela si Thelma Meneses, official spokesperson ng NutriAsia at head of human resources, sa lahat ng partido na wakasan na ang labor dispute.
“Through our collective prayers, we humbly ask that all parties put this difficult chapter behind us so we can all move forward,” ayon kay Meneses.
Nanawagan din ang mga lider ng labor union mula sa anim na service providers ng NutriAsia sa mga nagpi-picket na manggagawa na bumalik na sa kanilang trabaho.
Malaki ang pag-asa ni Meneses na babalik din sa normal ang operasyon ng NutriAsia sa sandaling bumalik na sa trabaho ang mga manggagawa.
Bilang bahagi ng kanilang humanitarian effort, nagbigay ang NutriAsia ng tulong pinansiyal sa mga manggagawang apektado ng gusot.
Batay sa desisyon ng DOLE Region 3, napatunayan nitong tumatalima sa batas paggawa ang apat na contractors ng NutriAsia na kinabibilangan ng B-Mirk Multi-Purpose Cooperative (BMPC), Fast Services Corporation, Bison Security and Investigation Agency, City Service Corporation, at Manchester Engineering.
Partikular na tinukoy ng DOLE ang BMPC na napatunayang tumatalima sa general labor standards matapos itong magsumite ng proof of compliance at refunding ng unauthorized deductions para sa uniporme mula sa sahod ng 519 trabahador na nagkakahalaga ng P806,353.11 noong March 15, 2018.
Siniguro rin ng NutriAsia na gagawin nito ang lahat para maayos ng mahinahon at mapayapa ang labor dispute.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.