GSIS retired members, inalok ng bagong retirement plan
Binigyan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang retired members na hindi pa nakukuha ang kanilang benepisyo na baguhin ang kanilang retirement plan.
Sinabi ni GSIS President at General Manager Jesus Aranas na sakop ng bagong polisiya ang mga miyembro na nagretiro sa ilalim ng Republic Act 8291 at Presidential Decree 1146.
Aniya, ang mga aplikasyon para sa 18-month cash payment at agad na buwanang pensyon ay maaring kumuha na lang ng five-year lump sum.
Ganito rin, ayon pa kay Aranas, ang maaring gawin ng mga nag-apply para sa five-year lump sum.
Sinabi pa ni Aranas na ang mga nais magbago ng kanilang retirement plan ay maaring sumulat sa opisina ng GSIS kunt saan sila nagsumite ng kanilang aplikasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.